top of page
"Daloy ng kamalayan"
Muse: Digo Acuzar
Poem by Iko Salas
Hayaan mo ang sarili mong maramdaman,
ang bawat pagyakap ng kasalukuyan.
Hayaan ramdamin ang pagbabago
sa mga kinagisnan.
Unti-unting lasapin
ang hagod ng pagkakakilanlan.
Dama ang pagkamulat,
sa pag-agos ng kamangmangan.
Dala ang bukas,
na puno ng katanungan.
Mga katanungang hindi
nangangahulugang may kasagutan,
Pero mga katanungang
bubuo ng pagkakakilanlan.
Hayaan itong umagos, dumaloy at bumuhos,
sa mga pakiramdam
na nais tanggalan ng gapos.
- - -
#artegoph #queerartph #theartofbeinggay
🏳️🌈🤍☁️
bottom of page